Ang Buhay Sa Gitna ng Unos

Lagi kong iniisip na grumadweyt na agad sa lalong madaling panahon. Marami kasi akong ginagawa ngayon. Hindi pa man ako natatapos sa aking OJT sa Philamlife e tuloy-tuloy na naman ang bagsakan ng mga gawain sa aking Unibersidad. Lalong-lalo na ang thesis. Sa Thesis A pa nga lamang namin, hindi na ako magkaugaga sa kaiisip kung paano ko sisimulan ang pinaaprubahan naming title. Isa pa, iniiwasan ko ang maging Octoberian, o mas malala pa doon!

Marami na akong mga binabalak matapos kong grumadweyt ng kolehiyo. Nariyan ang pagtatrabaho ko sa isang magandang kumpanya, mag-Masteral at Doctorate (sa pretihiyosong unibersidad nagga't maari), maging part-time writer, maglakbay sa iba't-ibang panig ng mundo, makatulong sa mga mahihirap, at ang pinakamahalaga, ang maglingkod sa Diyos. Syempre hindi mawawala ang pamilya ko sa mga prayoridad ko sa hinaharap. Sila ang inspirasyon ko e. Hindi ko kayang magising ng isang araw nang wala sila. Masasabi ko ring inspirasyon ko ang aking mga kaibigan. Parte na ng kasiyahan ko ang bawat araw na nandyan ang kanilang presensya. At saka hindi ba, sa tuwing hindi mo masabihan ng problema ang pamilya mo, sa kanila ka naman talaga nakikipag-usap at humihingi ng payo, 'di ba?

Hay. Thesis. Iniisip ko kung bakit pa ito naimbento. Sa totoo lang, proposal pa nga lang ang ginagawa namin at wala pa kami sa documentation proper. Pero kung mag-react ako e 'kala mo kung sinong nahihipan! Hahahaha!

Tama na nga muna ang drama. Nahihirapan na 'kong mag-type dito sa keyboard dahil hindi gumagana ang kanang Shift na buton. Sira ata. Tuloy 'yung kaliwang Shift 'yung nagagamit ko. 'Wag naman sana 'kong masanay ng ganito.

Sige tama na talaga. Gagamitin pa ng kapatid kong si Kim ang computer. Magagalit 'yon sa 'kin!


Asensado na 'ko, a? Ito ang unang pagkakataon na nag-Tagalog ako sa blog na 'to. MAGANDANG GABI!!!

0 comments:

Post a Comment